1176.
Nanay: Ang laas mo kumain pero hindi ka mautusan. Ang kapal mo!
Anak: Kapag ang baboy natin malakas kumain, natutuwa ka. Sino ba talaga ang anak mo, ako o yung baboy? Umayos ka nay! Huwag ganun! Ü
Toinkz!
1177.
Titser: bakit ka na-late?
Boyet: Yun ho kasing isang lalaki, nawalan nang P500.
Titser: Tinulungan mo siyang hanapin 'to?
Boyet: Hindi po. Tinapakan ko lang hanggang umalis siya!
1178.
Doctor told a fat guy:
"Mula ngayon ang pwede mo lang kainin ay mga hayop na lumalangoy."
One week later, hinanap ni doc si Fat Guy.
Maid: Nasa pool po, tinuturuang lumangoy yung baboy!
1179.
Mental patient:
Nagbubungkal ng lupa para magtanim.
Nurse: Anong ginagawa mo?
Pepe: Di mo nakikita? Nagtatanim ako!
Nurse: Eh wala ka namang tinatanim ah?
Pepe: Seedless 'to brad. Addict ka ba?
1180.
Juan: Hoy! Bakit naghihilamos ka sa iniodoro? Napakababoy mo!
Pedro: Malinaw at malinis naman ang tubig nun ah!
Juan: oo nga! Pero hindi mo ba alam na diyan ako umiinom, tapos paghihilamusan mo? Ano ka ba?!